` Goals and Vision ~ NOT AN EMPLOYEE ANYMORE! GOODBYE 8-5

STRONGHOLD

Thursday, March 10, 2016

Goals and Vision

I may not be there yet, but i am closer that yesterday.
My Goals keep me focused.
My Vision is in line with my goals and keeps me moving forward.

Lahat tayo nangangarap pero hindi sapat na nasa isip lang yan. Dapat kinukuha yan. Ang Goal kase ay depende sa gusto mong makuha (materyal o hindi). Specific target mo yan para makaadvance ka towards your Vision.
Nakikita mo ang hulihan ng Goals mo (you can stop) pero hindi ang Vision (it continues). Pwede ka maggoal na makarating ka sa buwan at pagnakarating ka na, Achieved!
Pwede ka magkaroon ng Vision na isang mundong mapayapa kung saan lahat ay pantay pantay o isang company o team na malaki at maraming may resulta o higit pa.

Kaya kung wala kang Vision, ang Goal ay isang bagay na nakuha mo lamang ng walang malalim na dahilan (o Deepest Why). Sa trabaho at negosyo, ang Vision ay maaring specific pero kung gagawin mo ito para sa buhay, Napakalawak nito. It will keep you motivated, focused, excited, insprired, etc.
At higit sa lahat, it will make you happy and even happier or kung maari, the happiest person ever.

Gumawa ka ng plano at paraan para makuha at maenjoy yan.
Pero tandaan mo, may pagdadaanan kang problema at pagsubok. Huwag mo yang tatakasan bagkus dapat harapin mo ng buo ang loob. Hindi na rin mahalaga kung ilang beses ka madapa. Ang mahalaga patuloy kang bumabangon, patuloy kang tumatayo.

Masasabi kong seryoso ka kapag pinagsusumikapan mo ang isang bagay. Yung mga tao nga na gumawa ng masama pinagsumikapan din nila, how much more kung mabuti ang gagawin mo at makatutulong sayo.

May isang tip ako para mamotivate kang makuha ang Goal mo.
Humanap ka ng mga tao (3 o 4) na makakasama mo. Maggoal kayo lahat. Kung pareho kayo ng gusto makuha mas maganda para alam mo kung ano ang magiging galaw mo at galaw nila.

Alam mo kase, mahirap at masakit ang mapag-iwanan, lalo't kasabayan mo sila.
Mapupush kang gawin ito, hindi na para patunayan sa kanila kundi upang Patunayan sa sarili mo na kaya mo!
Avoid procastination din!

Keep your Faith!
Always be at your Best and Do whatever it takes.

#PinoyNetworkingGuide

0 comments:

Post a Comment